Question And Answer About Islamic Education
#143
Ano nga ba ang kahigtan ng Born Muslim sa Balik Islam o Balik Islam sa Born Muslim?
👉Ang unang dapat natin malaman ay kung ano ang ibigsabihin ng Islam at Muslim.
Sinasabi ng mga pantas sa Islam..
الإسلام هو استسلام لله بفعل أوامره و ترك نواهيه
Ang Islam ay ganap na pagsuko sa Allâh ﷻ sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang ipinag-uutos at paglayo sa kanyang ipinagbabawal.
Ang Muslim ay sumusunod, tumatalima, at sumusuko sa batas at kagustohan ng Allâh ﷻ.
Ibigsabihin, hindi nababatay ang Islam kung saan lahi ikaw ay nagmula, o saan bansa ikaw ay nagmula. Hindi ito minamana mula sa mga ninuno kundi ito ay nababatay kung papaano mo sinusunod at tumatalima sa batas at kagustohan ng Diyos, ang Allâh ﷻ.
Katibayan:
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا ادْخُلُوا فِي السِّلْمِ كَافَّةً
"O kayong mga naniwala sa Allâh bilang ‘Rabb’ at kay Propeta Muhammad ﷺ bilang Propeta at Sugo, at sa Islam bilang ‘Deen’, pumasok (sumunod) kayo sa kabuuang batas ng Islam -- ito ay gampanan ninyo nang maigi at huwag kayong mag-iiwan ng anuman sa Kanyang ipinag-utos".
Kaya mali ang sabihin mo sa kapatid mong Balik Islam na “Ako ay totoong Muslim”. Dahil tangging Ang Allâh ang nakakabatid sa iyong gawa at sa iyong puso at upang hindi ka rin magmukhang mayabang.
👉Ang Born Muslim ay yaong ipinanganak na ganap na Muslim ang kanyang mga magulang, isinasabuhay ng kompleto ang pagiging Muslim. At biniyayaan sila ng mga anak at dinisiplina nila ang kanilang mga anak sa pamamaraan ng Islam hanggang sila ay lumaki at nananatili pa rin sa katuruan ng Islam.
👉Ang Balik Islam ay yaong dating sumasamba sa Diyos-diyosan, gaya ng rebulto, mga pamahiin, sumasamba kay Hesus at kalaunan ay nagsiyakap sila sa pananampalatayang Islam ng kompleto, at isinasabuhay nila ang pamamaraan ng Islam ng ganap.
👉Bilang tunay na mananampalataya ay ang huwaran o modelo sa pananampalataya ay walang iba kundi ang mga Sahaba (kasamahan ng Propeta) pagkatapos ng mga Propeta.
--Balikan natin ang kasaysayan ng mga Sahaba.
Ang mga Sahaba bago pa man dumating ang Islam, sila ay sumasamba sa mga Diyos-diyosan, mga rebulto sa Makkah at iba't-ibang pagtatambal sa Allâh.
At nang dumating ang Islam ay ang unang yumakap sa Islam mula sa mga kababaihan ay ang asawa ng Propeta na si Khadijah Bint Khuwaylid sinundan siya ni Ummu Al-Fadh'l na asawa ni Al-Abbas Bin Abdu-Muttalib at mula sa mga kalalakihan ay si Ali bin Abi talib ‘pinsan ng Propeta’, at sinundan ng kanyang matalik na kaibigan na si Abu Bak'r hanggang sa marami na ang yumakap sa pananampalatayang Islam.
Pagkalipas ng 13 years ay inutosan sila ng Allâh magtungo sa Madinah upang magtayo ng pamayanang Muslim kungsaan sila'y malayang sinasabuhay ang Islam.
Ang unang pagsubok sa mga Sahaba ay nagpakalat ang mga Hudyo ng balita sa buong Madina na sila ay nagkalat ng mga ‘Sih'r’ kulam sa mga kababaihang Sahaba na sila ay hindi na manganganak ng mga lalaki.
--ibigsabihin, kapag wala ng sanggol na lalaking ipanganganak ay mauubos ang mga lalaking Sahaba.
Tumagal ang ganitong suliranin sa pagitan ng mga Sahaba hanggang yung iba ay nag-aalanganin na, dahil bawat sanggol na isinisilang ay babae.
Hanggang dumating ang araw na manganganak na ang anak ni Abu Bak'r na si Asmaa Bint Abu Bak'r na asawa ni Az-Zubair Bin Al'Awwam.
Lahat ng mga Sahaba sa Madinah ay inabangan ang kanyang panganganak. At nanganak si Asmaa na isang malusog na lalaki na pinangalanan ng Propeta na Abdullah Bin Zubair.
Sa araw na yon ay muling sumigla ang pananampalataya ng mga Sahaba dahil napagtanto nila na walang katotohanan ang ikinalat na balita ng mga Hudyo.
Ayon sa mga Ulama (Islamic Scholars), ang unang isinilang sa Islam ibigsabihin Born Muslim ay si Abdullah Bin Zubair.
Uulitin ko ang tanong..
Ano ang kahigtan ng Born Muslim sa Balik Islam at Balik Islam sa Born Muslim?
👉Walaa!!
Liban yaong nagtataglay ng higit na may takot sa Allâh ﷻ.
Katibayan:
Sinabi ng Allâh ﷻ:
إِنَّ أَكْرَمَكُمْ عِندَ اللَّهِ أَتْقَاكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ (13)
"At dapat ninyong mabatid na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allâh ﷻ ay ang sinumang pinakamatakutin sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal".
________
✍🏼 Ust. Hakim Sarip
✍🏼 Ust. Hakim Sarip
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق