ANG KAGANDAHANG ASAL SA HARAP NG PAGKAIN.
Ayon kay A'ishah (Ra), Sinabi ng Sugo ni Allah na si Propeta Muhammad (Saws) na: Kapag kakain, sibihin ang "BISMILLAH" (Sa Ngalan ni Allah). Subalit kung nakalimutan at naalaala lamang sa bandang huli, Sabihin ang "BISMILLAHI FEE AWWALIHI WA AKHIRIHI" (Sa Ngalan ni Allah, sa simula at wakas).
Ayon kay Umar bin Abu Salamah (Ra), Sinabi sa akin ng Sugo ni Allah (Saws) na: Sabihin mo ang "BISMILLAH" (Bago kumain), kumain ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, at kainin mo ang (pagkaing) malapit sa iyo.
Ayon kay Abdullah bin Umar (Ra), Sinabi ng Sugo ni Allah
( Saws) na: Wala sa inyong kakain ni iinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay sapagkat ang Demonyo ay kumakain at umiinom sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay.
( Saws) na: Wala sa inyong kakain ni iinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay sapagkat ang Demonyo ay kumakain at umiinom sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay.
Ayon kay Abu Hurayrah (Ra): Walang pinintasang pagkain ang Sugo ni Allah (Saws). Kung maiibigan niya ang pagkain ay kakainin niya at kung hindi niya maibigan ay iiwan niya ito.
---------------------
ANG MGA ARAL:
ANG MGA ARAL:
1, Itinatagubilin ang pagsabi ng "BISMILLAH" Kapag kakain at kung makalimutan mang sabihin ito at naalaala lamang habang kumakain na, sabihin ang "Bismillahi fee awwalihi wa akhirihi."
2, Ipinagbabawal ang pagkain sa pamamagitan ng kaliwang kamay sapagkat ito ay katulad ng ginagawa ng Demonyo. Ipinapahintulot lamang ang pagkain sa pamamagitan ng kaliwang kamay kung may makatuwirang dahilan.
3, Bilang pagsunod kay Propeta Muhammad (Saws), hindi dapat pintasan ang pagkain, sa halip, kung gusto ay kainin at kung ayaw ay huwag kainin, Gayon pa man, ipinahihintulot ang pagbanggit ng kapintasan ng pagkain kung ang layunin ay pagbibigay -alam.
#reposted
#reposted