الاثنين، 15 أكتوبر 2018

[ IKUBLI AT TAKPAN NANG MAAYOS ANG IYONG AWRAH ]

Abu Haneen Ibn Abdullah
[ IKUBLI AT TAKPAN NANG MAAYOS ANG IYONG AWRAH ]
MGA KABABAIHANG NAKASUOT NG DAMIT SUBALIT PARA SILANG NAKAHUBAD.
Sinabi ni Propeta Muhammad -sallallahu alayhi wasallam-:
"Mayroon dalawang uri ng tao na kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno na hindi ko pa nakikita (sa aking kapanahunan). Ang unang uri ng tao ay maroon isang uri ng latigo o pamalo na tulad ng mga buntot ng baka, na hinahagupit o sinasaktan ang mga tao., At ang ikalawang uri ng tao ay Mga Kababaihang nakasuot ng damit subalit para silang nakahubad...
Ang mga kababaihang ito ay hindi papasok ng Paraiso ni hindi nila madarama ang kahit na bahagyang amoy ng Paraiso, gayong ang halimuyak ng paraiso ay maamoy kahit na nasa napakalayong distansiya."
● Paglilinaw:
" Mga Kababaihang nakasuot ng damit subalit para silang nakahubad... "
- Ito'y dahil sa kanilang mga kasuotan ay manipis at masikip na ipinapakita ang hubog o hugis ng kanilang katawan at naaaninag ang kulay ng balat, ito'y nagpapahiwatig nang hindi maayos na pagtatakip ng Awrah.
[ Pangalagaan nawa ni Allah ang ating mga Kababaihan, at gawin nawa sakanila ang HIJAB na kamahal-mahal at kasiya-siya.]
 Abu Haneen Ibn Abdullah

ليست هناك تعليقات:

إرسال تعليق