Ang Pagsasagawa ng wudu'ay kailangang ayon sa pagkasun0d-suno -d at tuloy-tuloy:
Kinakailangan ding magtipid sa tubig sa pagsagawa ng wudu'.
Kinakailangan ding magtipid sa tubig sa pagsagawa ng wudu'.
1- Isapuso ang hangarin na magsagawa ng wudu'at huwag bigkasin.
Sabihin ang BISMILLAH bago magsimula.
Sabihin ang BISMILLAH bago magsimula.
2-Hugasan ang mga kamay nang tatlong beses.
3-Magmumog at isinga ang tubig na ipinasok sa ilong. Gawin ang mga ito nang tig 3x.
4. Hugasan ang mukha nang 3x hanggang sa magkabilang tainga at mula sa tinubuan ng buhok sa noo hanggang sa dulo ng balbas pababa.
5- Hugasan nang tig 3x ang kamay at braso mula sa dulo ng daliri hanggang sa siko. Magsimula muna sa kanan at saka isunod ang kaliwa.
6- Ihaplos ang basang mga kamay sa tinubuan ng buhok sa noo hanggang sa batok nito at ihaplos pabalik mula sa batok hanggang sa tinubuan ng buhok sa noo.
7-Haplusin nang 1x ang mga tainga sa pamamagitan ng pagpasok ng hintuturo sa harapan ng tainga habang pinadadaanan ng hinlalaki ang likod ng tainga.
8-Hugasan ang mga paa nang 3x mula dulo ng mga daliri hanggang sa bukong-bukong. Magsimula muna sa kanan at saka isunod ang kaliwa.
9-Pagkatapos gawin ang mga nabanggit sa itaas, iminungkahing bigkasin ang Shahadatayn:
ASH'HADU AL LAA ILAAHA ILLAL LAAH, WAHDAHU LA SHAREEKA LAH, WA ASH'HADU ANNA MUHAMMADAR RASO0LUL LAAH.
At pwede narin idugtong ang:
ALLAHUMMAJ'-ALN -I MINAT-TAWWA-BI- -NA WAJ'-ALNI MINAL MUTA-'TAHHIREEN
-meaning-
"0 Allah, gawin akong (kasama) mula sa mga (taong) nanumbalik sa Iyo at malimit maghingi ng kapatawaran (sa Iyo) at gawin akong (kasama) sa mga nananatiling malinis at dalisay."
-meaning-
"0 Allah, gawin akong (kasama) mula sa mga (taong) nanumbalik sa Iyo at malimit maghingi ng kapatawaran (sa Iyo) at gawin akong (kasama) sa mga nananatiling malinis at dalisay."
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق