الاثنين، 16 ديسمبر 2019

Paalaala una sa aking sarili.

1 Mina Samir
Paalaala una sa aking sarili.
'TASBEEH (DU’A)-Pansariling Panalangin Pagkatapos ng Salah)
Mga kapatid sa islam, Bilang Paalaala sa bawat muslim nagsasagawa ng Pagdarasal limang beses umaga at maghapon ngunit nakakalungkot marami sa atin pagkatapos magsalaah ay Umaalis na agad. kaya ito ang naisip ko ipaabot baka kasi mayroon tayo dahilan o di kaya nagsimula pa lamang tayo magdasal o magsagawa ng pagdarasal kaya mga kapatid sa oras na ito nais ko ipaabot sa inyo bilang Paalaala. In Shaa Allah
Gayun paman mga kapatid Bilang Paalaala. wag na wag tayo agad umalis sa loob ng masjid at manatiling nakaupo at isagawa natin ang Du’a o Panalangin,. Maaaring manalangin tayo sa ALLAH SUBHANAHU WA TA'ALA sa sariling wika upang magbigay pagpupuri sa kanya, pasasalamat o paghingi ng tawad sa sarili ating nagawang kasalanan o sa mga naisin natin.. Maaaring din Du'a natin o humihingin sa ALLAH SUBHANAHU WA TA'ALA na bigyang patnubay ang mga mahal natin sa buhay tungo sa kaligtasan mula sa Parusa dito sa mundo hanggang sa kabilang buhay..
Ito mga kapatid ang mga kanais-nais at itinatagubilin na banggitin pagkaraan ng bawa’t Salah. Ang mga ito ay hindi sapilitan o itinakdang tungkulin, bagkus itinuturing na karagdagang pag-sagawa ng pagsamba upang matamo ang karagdagang biyaya mula sa ALLAH SUBHANAHU WA TA'ALA.
Ito ang mga sunod-sunod na Panalangin:
“ASTAGFIRULLAH” ( 3 ulit ) - Ako ay humihingi ng Kapatawaran sa Allah)
Matapos ang paghingi ng kapatawaran, kanais-nais na banggitin ang mga sumusunod:
''ALLAHUMMA ANTAS SALAM, WA MINKAS SALAM TABARAKTA YA DHAL JALALI WAL IKRAM''
(O Dakilang Allah, Ikaw ang Kapayapaan, at sa Iyo nagmumula ang kapayapaan, Ikaw ang Kataas-taasan, Dakila at Kapuri-puri)
Pagkatapos nito, kanais-nais na banggitin ang mga sumusunod na panalangin:
“LA ILAHA ILLALLAH, WAHDAHU LA SHARIKA LAH, LAHUL MULKU, WALAHUL-HAMDU, WAHUWA ‘ALA KULLI SHAY-IN QADEER”
(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, Siya ay Nag-iisa, Siya ay walang katambal, sa Kanya lamang ang Kataas-taasang Kapangyarihan, at sa Kanya lamang ang Pagpupuri, at Siya ang Makapangyarihan sa lahat ng bagay)
Itinatagubilin din ito mga kapatid na idalangin ang alin man sa mga sumusunod:
'' ALLAHUMMA LA MANI’A LIMA A’TAYTA, WALA MU’TIYA LIMA MANA’TA, WALA YANFAU DHAL JADDI MINKAL JAD”
(O Allah, walang makapipigil sa anumang Iyong ipagkaloob, at walang makapagbibigay sa anumang Iyong ipagkait. Walang magagawa ang may kakayahan sapagka’t sa Iyo lamang nagmumula ang yaman at tagumpay)
“LAA HAWLA WALA QUWATA ILLA BILLAAH”
(Walang lakas o kapangyarihan malibang magmula sa Allah)
''LA ILAHA ILLAL LAAHU WALA NA’ABUDU ILLA-IYAHU, LAHU NI’MATU, WALAHUL FADHLU, WALAHUL THANA AL HASSAN”
(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at wala kaming sinasamba bukod sa Kanya, Ang tagumpay ay nagmumula lamang sa Kanya, Ang biyaya ay nagmumula lamang sa Kanya,Ang lahat ng magagandang pagpupuri ay sa Kanya lamang)
''LA ILAHA ILLALLAAH, MUKHLISINA LAHU DINA WALAO KARIHAL KAFIRUN”
(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at kami ay nag-aalay ng taimtim na pagsamba sa Kanya kahit na ito’y kapootan ng mga di-nananampalataya)
''ALLAHUMMA A’INNI ‘ALA DHIKRIKA WASHUKRIKA, WA HUSNI IBADATIK”
(O Allah, tulungan Mo ako upang ilagi Ka sa aking alaala, at tulungan Mo akong maging mapagpasalamat sa Iyo, at maging lubusan ang aking pagsamba sa Iyo)
Kanais-nais ding banggitin ang mga sumusunod ng tatlumpu’t tatlong (33) ulit:
“SUBHANALLAH” - 33 (Ulit) - (Kaluwalhatian sa Allah)
“ALHAMDULILLAH” - 33 (Ulit) - (Ang Pagpupuri ay sa Allah lamang)
“ALLAHU AKBAR” - 33 (Ulit) - (Ang Allah ay Dakila)
Pagkatapos ng tatlong ito, banggitin na panalangin, isunod ang ito. :
''LA ILAHA ILLALLAAH, WAHDAHU LA SHARIKA LAH, LAHUL MULKU, WALA-HUL HAMDU, WAHUWA ‘ALA KULLI SHAY’IN QADIR”
(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, Siya ay nag-iisa at Siya ay walang katambal. Sa Kanya lamang ang Kataas-taasang Kapangyarihan, at sa Kanya lamang ang mga Pagpupuri at Siya ang Makapangyarihan sa lahat ng bagay)
Bilang panghuli lage Tandaan mga kapatid isunod natin ang ilan mula sa banal na Qur'an tulad ng mga sumusunod:
bigkasin ang Ayatul Kursi (2:255). (1x ulit bawat salaah).
Bigkasin ito nang tig-iisang beses ang Suratul Iklas (112). Suratul Falaq (113), Suratul An-nas (114). Mula sa salaah Dhur, Asr at Isha'a at tig-tatlong beses naman sa Fajr at Maghrib.
Nawa sana mga kapatid sa islam. Makapagbigay aral ito, linaw, at karagdagan kaalaman tungkul sa ''TASBEEH (DU’A) - Pansariling Panalangin Pagkatapos ng Salah)'' at In Shaa Allah ipaabot natin ito sa mga kapatid natin sa Islam para sa landas ni ALLAH SUBHANAHU WA TA'ALA.

ليست هناك تعليقات:

إرسال تعليق