السبت، 18 يناير 2020

ANG MENSAHE NI PROPETA MUSA/MOISES'' SA KASAYSAYAN NI PARAON

Jameel L Manolongمتابعة
ANG MENSAHE NI PROPETA MUSA/MOISES'' SA KASAYSAYAN NI PARAON
Sa Nglan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin.
‎بسم الله الرحمن الرحيم.
Una sa Lahat ang pagbati ng ‘’ Kapayapaan’’ nais ko ipaabot sa aking mga kapatid na sa islam ‘’Assalamu alaikum rahmatullahi wa barakatu ’’ at sa mga D muslim ‘’Suma inyo ang kapayapaan at magandang araw’’
Gayupaman mga tagasubaybay tunghayan natin ang isang mahalaga mensahe mula sa aklat na ipinagkaloob ng Diyos (Allah) kay Moises na tinatawag na Torah (Tawrah sa Arabik) at maging sa SAMPUNG KAUTUSAN (Ten Commandments of God) na magpahanggang ngayon ay kinikilala at ibinabantayog ng mga Hudyo at mga Kristiyano,
Ang pangunahing Kautusan ay ''IBIGIN MO ANG DIYOS NG HIGIT KANINUMAN''. At ang pag-ibig sa Diyos ang siyang diwa ng ganap at wagas na pagsamba sa Nagiisang Diyos (Allah ) na Siyang may likha sa lahat ng bagay.
Gayunpaman si Propeta Moises (AS) ay matibay na inihayag ang pangunahing kautusan ang SAMBAHIN NG IISANG DIYOS mula sa Lupang Tipan (Bibliya) :
“Pakinggan mo O Israel, Ang Panginoong Diyos ay Isang Panginoon. At inyong mahalin ang inyong Panginoon ng buong puso, ng buong kaluluwa at buong lakas.” { Deuteronomio-6:5}
Ngunit ang mensahe ni Propeta Moises tanging mga muslim lamang ang sumusunod kaysa sa mga kristayno sa ngayon sa dahilan ang mga muslim ay Sumasamba sa ‘’NAG IISANG DIYOS’’
Mula naman kay Paraon sa kanya kasaysayan ay hindi kukupas at laging mananatili sa kaisipan ng bawa't tao. Si Paraon ay isang hari sa Lumang Ehipto (Egypt). Itinuring niya ang kanyang sarili bilang diyos at panginoon ng mga taong sinasakupan niya, kaya siya ay mapagmataas at walang kinikilalang diyos maliban sa kanyang sarili. Ang Banal na Qur’an ay nagsalaysay tungkol kay Paraon:
“At si Paraon ay nagsabi: O! aking mga tagapamahala, wala akong nalalaman (o kinikilalang) iba pang diyos para sa inyo maliban sa akin. Kaya’t magpaningas ka para sa akin, O Haman ng apoy sa luwad ( batong tisa) at ipagpatayo mo ako ng isang mataas (matayog) na palasyo (tore) upang aking matanaw ang Diyos ni Moises at tunay na ako ay nagtuturing na siya (Moises) ay kabilang sa mga sinungaling.” { Qur’an-28:38 }
Ngunit sa papahayag ni Paraon ay nagbibigay babala ni Propeta Moises ay nagpatuloy hanggang magpakita ito ng mga himala upang patunayan nito kay Paraon na mayroong isang tunay na Diyos (ALLAH (swt) na dapat kilalanin at sambahin. Nguni't, si Paraon ay mapagmataas at matigas ang puso at kalooban.
Bagama't ang kanyang sariling mga salamangkero (magician) ay pakumbabang tinanggap ang himalang ginawa ni Moises sa kapahintulutan ng ALLAH (swt) .
Si Paraon ay nanatiling matibay sa kanyang paniniwala na siya lamang ang diyos na dapat kilalanin ng kanyang mga tauhan At dahil nga sa kalupitan niya sa mga kasamahan ni Propeta Moises, nagpasiya ang mga ito na lumikas at mangibang bayan kasama si Propeta Moises.
Sa patnubay ng ALLAH (swt), sila ay inutusan na tahakin ang karagatan na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ALLAH (swt), ang dagat ay nahawi at nahati at naging isang daan ito sa pagtakas patungong ibayong lugar.
Hinabol ni Paraon at ng kanyang mga tauhan ang mga kasamahan ni Propeta Moises. Nguni't sa kapangyarihan ng ALLAH (swt), si Paraon at ang kanyang mga tauhan ay inagaw ng malalaking alon.
Ang kasaysayang ito ay pinatunayan ng Banal na Qur’an:
“At Aming hinablot siya (Paraon) at ng kanyang mga kawal at inihagis sa karagatan (at pinangyaring malunod) Kaya’t pagmasdan kung paano ang nagiging wakas (kahihinatnan) ng mga makasalanan.” { Qur’an-28:40 }
kaya sa pagpahayag ng banal na Qur’an si Paraon ay malulunod tapos siya ay nagsisi at ang pangyayaring ito ay ipinahayag ng Banal na Qur’an na nagwikang:
“Siya (Paraon) ay nagsabi: ‘Ako ay naniniwala na walang diyos (na dapat sambahin) maliban (sa Allah) – na Siyang pinaniniwalaan ng mga Angkan ni Israel, at ako ay isa sa mga Muslim, sumusuko sa Kalooban ng Allah.” { Qur’an-10:90}
Nguni't ang pagsisisi ni Paraon ay huli na sapagka't ang kamatayan ay naitakda na sa kanya. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi :
“Ngayon pa, samantalang sumuway ka noon at ikaw ay kabilang sa mga gumagawa ng katiwalian.” {Qur’an-10:91}
Kaya muli sinabi ng ALLAH (swt) kay Paraon parang maging tanda ng mga pasuway kay ALLAH (swt):
“Kaya sa araw na ito, Aming iaahon (dadalhin) ang iyong bangkay (mula sa karagatan) upang ikaw ay maging palatandaan (o maging aral at babala) sa mga darating pang lahi pagkalipas mo. Katotohanan, marami sa sangkatauhan ang hindi nagbigay pansin sa Aming mga palatandaan (o babala).” {Qur’an-10:92}
Maging sa kasalukuyang panahon, ang bakas ng kasaysayan ni Paraon ay makikita pa rin sa makabagong Ehipto. Ang patay na katawan ni Paraon at ng ilang mga kasamahan ay makikita sa mga museleo ng Ehipto. Sa mga "Archeological sites" laging natatagpuan ang ilang labi ng kaharian ni Paraon at ng ilang bangkay ng kanyang mga kasamahan.
Ito ay isang patunay lamang kung ano ang sinabi ng ALLAH (swt) mula sa Banal na Qur’an na binanggit sa itaas. Kahit lumipas pa ang libu-libong taon, ang bangkay ni Paraon ay mananatiling isang naiwang babala para sa sangkatauhan.
Nawa sana magakapagbigay aral, linaw o karagdagan kaalaman mula sa banal na kasulatan .. In'sha'ALLAH mga kapatid ko sa Islam ipaabot natin ito sa ating mga kaibigan, kamag-anak D muslim o sa lahat ng ating kababayan Kristyano sa atin basna Pinagpala.. alang alang sa Landas ni ALLAH (swt).. In'Sha'ALLAH..

ليست هناك تعليقات:

إرسال تعليق