Isang karumal-dumal at walang kapatawaran ay ang SHIRKH o pagtatambal sa Allah.. pagsamba,paghingi ng proteksyon,ng pakatawaran,pasasalmat mula sa ibang Diyos o ano mang nilikha lamang niya ay kasuklam-suklam para sa Allah..
Kabilang na dito ang paniniwala ng mga tao sa ating-anting o agimat. Na ito ay nkakapagbigay ng proteksyun,biyaya, kagalingan at kung minsan pag-gawa ng masama sa kapwa..
Mahigpit na pinagbabawalan ng Islam ang maniwala dito at ang sino mang muslim ang maniwala at tumangkilik ng ganitong uri ng pananampalataya tunay na siya ay nakagawa ng pagtatambal na maari niyang ikapahamak dito sa mundo at sa kabilang buhay
Ang mga ganitong paniniwala ay walang ano man katuruan na dala ng mga propeta mula sa Allah.
isang hadith na naisalaysay ni Ibnu mas-ud, (kaawaan nawa siya ng Allah): sinabi niya: narinig ko ang propeta ng Allah nagsabi: "Tunay na ang ruqa (panggagamot sa pamamagitan ng pananalangin sa iba pa maliban sa Allah), ang tamima (agimat)at ang pangkukulam ay kabilang sa mga kasalanang shirk (pagtatambal kay Allah) ". {iniulat ni ahmad at ni abu dawud}.
Tunay na Islam ay inilalayo tayo sa mga ganitong uri ng gawain.. gawain na walang batayan sa buhay ng isang tao isang uri ng gawain na bukod sa gawa-gawa ay nkakapagdulot pa ng isang malaking kasalanan.
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق