KARAPATAN NG ISANG MUSLIM NA KAPAG NAGKASAKIT AY DALAWIN MO SIYA.
Ito ay karapatan niya sa mga kapatid niyang Muslim kaya naman tungkulin nilang gawin iyon. At kapagka ang maysakit ay may iba pang karapatan sa iyo dahil sa siya ay isang kamag-anak o kasamahan o kapit-bahay, ang pagdalaw sa kanya ay lalong binibigyang-diin.
Ang pagdalaw ay ayon sa kalagayan ng may sakit at ayon sa kalagayan ng sakit. Maaaring itakda ng kalagayan ang kadalasan ng pagdalaw sa kanya at maaari ring itakda ng kalagayan ang kadalangan ng pagdalaw sa kanya. Samakatuwid, ang nararapat ay ang isaalang-alang ang mga kalagayan.
Ang itinatagubilin para sa sinumang dumadalaw sa isang may-sakit na tanungin niya ito tungkol sa kalagayan nito, ipanalangin niya ito, at buksan niya para rito ang pinto ng kaginhawahan at pag-asa sapagkat iyon ay malaking dahilan ng paglusog at paggaling. Nararapat na ipaalaala niya rito ang pagbabalik-loob sa Allah sa paraang hindi nakapangingilabot para rito. Magsasabi, siya rito, halimbawa: "Sa sakit mong ito ay may matatamo kang mabuti sapagkat sa ang karamdaman ay ipinantatakip ng Allah sa mga pagkakasala at pinapawi Niya rin sa pamamagitan nito ang mga nagawang masama at baka ikaw ay magtamo pa, dahil sa pagkakaratay mo, ng maraming gantimpala dahil sa madalas mo na pag-aalaala mo Allah sa kalagayang iyan,at ang paghimok sa may sakit na humingi ng tawad, at manalangin sa Allah swt."
Research by:
Parañaque Islamic Da'wah Online
Photo ctto
Parañaque Islamic Da'wah Online
Photo ctto
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق