Abu Haneen Ibn Abdullah
[ HUWAG MAGING DAYYÚTH ]
DAYYÚTH: Ang Taong Nagsasawalang-kibo hinggil sa kasamaan at Haram na gawain ng Kanyang Pamilya (Asawa/Anak).
Sinabi ng Mahal na Propeta -sallallahu alayhi wasallam-:
{ Tatlong Uri ng Tao na Ipagkakait sa kanila ni Allah ang Paraiso: (at Nabanggit nya dito) ANG DAYYUTH: siya na kanyang Sinasang-ayunan (kinukunsinti) ang Kahalayan (kasamaan) na ginagawa ng kanyang Pamilya.}
👉 Tunay na kabilang sa malaking Kasalanan na laganap sa ngayon na hindi namamalayan ng Ilan ay ang kawalan ng Pride hinggil sa ginagawang Haram o kasamaan ng ating mahal sa Buhay.
Ating Nakikita ang Haram na Gawain ng ating Mahal sa Buhay subalit hindi natin sinisita at nagsasawalang-kibo tayo, kaya ito'y ibinilang sa Malalaking kasalanan dahil para nating sinasang-ayunan at kinukunsinte ang Kasamaan o kahalayan na ginagawa ng ilan sa ating Pamilya, Lalo na sa ating mga Anak.
ILAN SA HALIMBAWA NITO:
● Nakikita natin ang ating anak na babae na nakikisama sa mga lalaking hindi mahram subalit wala tayo'ng ginagawa, Ganun din sa mga anak na Lalake.
● Lumalabas sa Bahay ang Babae na Hindi Nakahijab, at Nakikita ang Awrah subalit wala tayong Ginagawa at tayo'y Nagbubulag-bulagan.
● Nagpopost ang ilan kababaihan natin ng malalaswang photos subalit wala tayong ginagawa.
● Hinahayaan natin ang mga Anak nating Babae na sumali sa mga Party na nakaladlad ang kasuotan, at hindi man lamang tayo nakakaramdam ng Pagkamuhi o Pagtanggi sa gawain na ito.
Pangalagaan mo ang Moral at Reputasyon ng iyong mga Mahal sa Buhay dahil sa'yo din ito bumabalik, at lagi mong Tandaan na may Pananagutan ka kay Allah mula sa iyong katungkulan sa kanila.
KUNG TUNAY KANG MAY PRIDE, GAMITIN MO ITO PARA SA ISLAM AT SA IYONG PAMILYA.
✍ Abu Haneen Ibn Abdullah
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق