SI HESUS AY MULING BABALIK SA LUPA.
Kung ang mga Kristiyano ay naniniwala sa muling pagbabLik [8] ni Hesus (As), ganun din ang mga Muslim sapagkat kabilang sa pinaniniwalaan sa Islam na hindi magaganap ang katapusan ng Mundo hanggang hindi bumalik si Hesus (As) sa lupa.
Sa katunayan, si Hesus (As) ay baba sa gawing silangan ng Damascus, nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa mga pakpak ng dalawang Anghel, kapag iniyuko niya ang kanyang ulo ay may tatagatak na tubig, at kapag iniangat naman niya ito ay may malalaglag mula dito na katulad ng mga Perlas.
Ang muling pagbabalik ni Hesus (As) ay may mga mahahalagang dahilan na dapat matupad, kabilabg dito ang pagpatay niya kay Dajjal, babaliin niya ang krus, papatayin niya ang baboy, aalisin niya ang Jizyah (buwis) kung kaya sa panahong iyon ay sasagana ang kayamanan at wala ng sinumang tatanggap nito, at aanyayahan niya ang mga tao sa Islam upang maibalik ang wagas at malinis na pagsamba sa Allah (Swt). Narito ang talata sa banal na Qur'an ayon sa pagkakasalin ng kahulugan:
(At walang sinuman (o isa man) sa mga angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) kundi maniniwala sa kanya (kay Hesus na anak ni Maria bilang isang Sugo ng Allah) bago dumatal ang kanyang (Hesus) kamatayan; at sa araw ng muling pagkabuhay, siya (Hesus) ay magiging saksi (testigo) laban sa kanila) {Surah An-Nisa 4:159}.
Katotohanan, ang Islam ang tanging relihiyon na nagbibigay ng malinaw na paliwanag tungkol kay Hesus (As) at sa kanyang muling pagbabalik sa lupa.
........................................................................
[8] ang mga nabanggit sa babsahing ito hinggil sa muling pagbabalik ni Hesus (As) sa lupa ay sinipi at isinalin mula sa tekstong arabik ng mga Hadeeth ni Propeta Muhammad (saw).
[ctto]
........................................................................
[8] ang mga nabanggit sa babsahing ito hinggil sa muling pagbabalik ni Hesus (As) sa lupa ay sinipi at isinalin mula sa tekstong arabik ng mga Hadeeth ni Propeta Muhammad (saw).
[ctto]
ليست هناك تعليقات:
إرسال تعليق