الأحد، 24 ديسمبر 2017

ANG TAGUMPAY NG MENSAHE TV AY TAGUMPAY NATING LAHAT


Mensahe TV
ANG TAGUMPAY NG MENSAHE TV AY TAGUMPAY NATING LAHAT
Ilang taon pa lamang mula nang unang nagbroadcast ang Mensahe TV.
Nagsimula tayo sa pagbroadcast ng 3 oras lamang kada araw sa 4 na lungsod.
Sa ngayon ay napapanood na tayo sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng Cignal Satellite TV
at sa buong mundo na rin sa pamamagitan ng ating website at ating mga social media sites.
Alhamdulillah, at ginamit ni Allah ang channel na ito sa pagpaparating ng napakaraming kabutihan lalung lalo na sa pagpaparating ng tunay na Mensahe ng Islam sa lahat ng panig ng mundo.
Ang mensahe ng habag, pag-unawa, at pagmamahal sa kapwa.
Ang tunay na Mensahe ng Islam na dalisay mula sa mga ligaw na katuruan, radikalismo at terorismo.
Mga mensahe na naiparating natin sa pamamagitan ng ibat ibang mga de kalidad na mga programa. Mga lectures, talk shows, dokumentaryo, travel show, drama, at iba pa.
Sa ngayon, ay nais ng Mensahe TV na mapalawig pa ang ating mga serbisyo kaya malugod naming ipinapaalam sa lahat na maaari na kayong maging bahagi ng aming mga programa sa pamamagitan ng inyong mga tulong pinansyal o pagboluntaryo ng inyong panahon at talento sa pagbuo ng ating mga programa.
Kami rin ay tumatanggap ng inyong mga komento at mungkahi para sa ating mga programa sa hinaharap.
Ang Mensahe TV ay isang pangarap na matagal nang minimithi ng mga Pilipinong Muslim.
Tulungan ninyo kami na magtagumpay sa larangan na ito dahil ang tagumpay ng Mensahe TV ay tagumpay nating lahat.
Mensahe TV, ang aming Mensahe ay Habag sa salibutan.

ليست هناك تعليقات:

إرسال تعليق